Ako’y nalulumbay, sa king paglalakbay
Bawat hakbang, wari’y naliligaw
Ikaw ng aba ang tugon sa ‘king pag-iisa
LIwanag mong taglay ang sa ‘ki’y gumagabay
Sofia, mundo ko’y nasa yong mga mata
Sa isang buntong hininga, ako’y magugunaw na
Sadayng nababaliw sa awit mo’t aliw
Sa kabila ng sala, naglalahong parang bula
Isang halik at muling magbabalik
Sa yong piling
Oh giliw ko sa’n ako tatakbo
Sofia, mundo ko’y nasa yong mga mata
Sa isang kumpas, lahat ba’y magwawakas
Anumang mangyari, pangako’y di mababali
Tanging say o sinta, ako nakatadhana
Sofia, mundo ko’y nasa yong mga mata
Sa isang buntong hininga, ako’y magugunaw na
Sofia, mundo ko’y nasa yong mga mata
Sa isang kumpas, lahat ba’y magwawakas