歌詞

Nabulagan ka, o bayan ko Ito bang kalayaang pinangarap mo? Muling umasa ka at nabigo Nasa’n nang paniniwala mo sa maykapal? Nang kinitil nila si Juan, Nasabi mo bang: “ok lang, sya’s adik naman”? Napakadali bang agawin ng buhay na di mo kayang ibigay Mapaisip ka, o bayan ko Ito bang katarungang pinangarap mo? Muling umasa ka at nabigo Nasa’n nang husitsyang pinaglaban mo? Nang kinulong nila si Maria Puso mo ba’y nasaktan o sadyang manhid na? Maibabalik mo ba’ng mga sandalling sa kanya’y pinakait? Gumising ka, o bayan ko Ito bang kaginhawaang pinangarap mo? Muling umasa ka at nabigo Nasa’n nang habag sa kapwang sinabuhay mo? Nang namatay sa gutom si kwan Ikaw ba’y napiringan at nagbingibingihan? Habang ika’y nakaluluwag, madali bang makita ang nasasadlak? Matakot ka, o bayan ko Ito bang kasarinlang pinangarap mo? Muling umasa ka at nabigo Nasa’n nang katapangang pinangako mo? Nang sinakop nila ang karagatan Ikaw ba’y nagalit o tumahimik na lang Patuloy mo bang isusuko ang bayan sa harap ng dayuhan? Piring sa kamalayan
© LINE Taiwan Limited.
營業人名稱:台灣連線股份有限公司統一編號:24556886